Advertisers

Advertisers

Bintang na ‘vote buying’ kay Ate Rose Lin, gawain pala ng kalaban?

0 263

Advertisers

BUKING na umano ang ginagawang pagbaliktad ng isang kandidato sa pagka-konggresista sa ika-5 distrito ng Quezon City sa tunay na nangyayari sa kampanyahan sa lungsod na ito matapos na akusahan si Ate Rose Lin ng ‘vote buying’ samantalang base sa mga larawang nakuha, ang kalaban mismo ng Ate ng Distrito 5 ang gumagawa ng nito at ito ay sa pamamagitan umano ng pagbibigay ng ID Cards na may kalakip ng P1,500.

Ito ang ibinunyag ng isang impormante sa kampo ng leading Congressional candidate na nakilala lamang sa pangalan ‘Steve’

“Ang mga Vargas ang totoong namimili ng boto dahil desperado sila sa napakalaking kalamangan ni Ate Rose Lin sa resulta sa lahat ng mga isinagawang survey. Pakana nila ang lahat ng mga ginawang paninira kay Ate Rose Lin, ” pahayag ni Steve



Matatandaan na kamakailan ay bumaliktad din ang isa sa mga ‘Angel’ ni PM Vargas na nakilalang si Aiza Mojica Cabazares at isinawalat sa pamamagitan ng sworn statement ang ginawa niyang pag-eespiya sa kampo ni Ate Rose Lin, kabilang na ang pagpapadala ng mga video at litrato ng mga activities nito.

Si PM Vargas na first term councilor ng QC at kapatid ng paalis ng kinatawan ng district 5 na si Rep. Alfred Vargas ang ang inaambisyon ng konggresista na pumalit sa kanyang puwesto bilang kinatawan ng nasabing distrito.

Ayon pa kay Steve, ang kampo umano nila Vargas ay nag-iikot sa buong distrito at namimigay ng ID membership card sa lahat ng mga botante bilang ‘Vargas Workers’ na may kalakip na P1,500.

“Sa bawat pagpupulong na ginagawa ng mga Vargas ay naroon po ako at ang iba naming kasamahan. Kami rin po ang naatasan na mamigay ng ‘Vargas Workers’ membership card na may nakaipit na pera, ” ayon pa sa impormante.

Ipinakita rin ni Steve ang mga larawan na inaabot nila ang pera sa botante, bagamat hindi na ipinakita ang mga mukha ng mga ito.



Lumalabas na sa huling survey ng independent group na Alternative Intelligence Management Consulting ( AIMC ) tungkol sa pinapaborang kandidato sa Konggreso sa District 5, ay iniwan na ni Ate Rose Lin ang kanyang anim na mga kalaban.

Sa huling survey na may petsang April 5 ay nakuha ni Ate Rose Lin ang 52.62% at malayong pangalawa naman si PM Vargas na may 26.23%. Sumunod ay sina Annie Susano 10.27%, Rose Sanchez 3.91%, Manang Inday Esplana 3.35%, Antonio Ortega 2.28% at Jun M.Rustia o.57%. Samantalang nakapagrehistro naman ng 0.78% ang mga tumangging sumagot sa survey.