Advertisers

Advertisers

2 ‘gunrunner’ bulagta sa shootout

0 327

Advertisers

Patay sa engkuwentro ang dalawang lalaki na gunrunner sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Talabutab Sur, Nueva Ecija, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Jess Mendez, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang dalawang napatay na suspek na sina Rodelito Collado at Edgar Gaspar ng nasabing bayan.

Ayon kay Col. Mendez, 10:00 ng gabi noong Biyernes, isinagawa ang anti-illegal firearm buy-bust operation ng mga elemento ng Gen. Natividad Police Station, PIU/PPDEU ng NEPPO, 1st and 2nd PMFC,



Gapan City Police at CIDG Nueva Ecija PFU laban sa dalawang suspek.

Naghinala umano ang dalawa na otoridad ang kanilang ka-tran­saksyon at bigla umano silang tumakbo palayo hanggang sa magpalitan na umano ng putok at kalauna’y humantong sa pagkasawi ng mga suspek.

Narekober sa lugar ang isang calber .45 pistol, isang .9mm pistol at 1 kulay pulang Rusi Macho TC-175 na motorsiklo na walang plaka.