Advertisers
ANG nangungunang airline sa Pilipinas na Cebu Pacific (PSE:CEB) ang naunang lokal na eroplano na lumapag sa bagong tayong Clark International Airport Terminal 2 ngayong araw, Mayo 2, 2022. Ang mga pasaherong sakay sa flight 5J -15 mula Cebu ang unang mga CEB na nakadayo sa bagong terminal.
Lumipad mula Mactan Cebu International Airport and flight 5J -156 noong 5:00 ng umaga at dumating sa Clark International Airport nang 6:33 ng umaga. Isang water canon salute and sumalubong sa CEB aircraft pagdating nito.
“Nalulugod kami na kami ang unang domestikong flight na nag-operate sa bagong bukas na terminal, isa na namang una para sa amin mula noong nagsagawa kami ng simulation flight para sa rutang Clark-Cebu noong Disyembre 2021. Mas mapaiinam pa ng bagong terminal ang paglalakbay ng mga biyahero lalo na dahil sa makabago nitong state-of-the-art contactless solutions, na naaayon sa misyon ng CEB na makapaghatid ng ligtas at madaling biyahe para sa lahat,” ayon kay Michael Ivan Shau, Chief Corporate Affairs sa Cebu Pacific.
Nagsimula ang CEB sa rutang Clark-Cebu noong taong 2006. Bago magkapandemya, naghahatid serbisyo ang CEB ng direktang flights mula Clark patungo sa anim (6) na iba pang domestikong lugar tulad ng Bacolod, Bohol, Boracay, Davao, Iloilo, at Puerto Princesa, maliban pa sa Cebu. Nakalipad na rin ito patungo sa apat (4) na internasyonal na lugar noon tulad ng Hong Kong, Macau, Singapore, at Tokyo (Narita).
Sa kasalukuyan, araw-araw lumilipad ang CEB mula Clark patungong Cebu.
“Sa unti-unting pagbukas ng mga hangganan at pagpapahintulot sa pagbiyabiyahe, inaasahan naming papalakasin pa ang aming network sa pangunahing hub upang matugunan ang mga inaasahang pangangailangan,” dagdag pa ni Shau.
Patuloy na nag-aalok ng garantisadong mababang pamasahe ang CEB upang pasiglahin pa ang paglalakabay sa pinakamalawak na domesitkong network. Hindi humihinto ang CEB sa pagpapatupad ng iba’t ibang pamamaraan upang siguraduhin ang kaligtasan, kasama na rito ang mga 100% na bakunadong empleyado, kung saan 90% ay nakatanggap na ng booster – lahat upang makatiyak sa kaligtasan at kaginhawaan ng bawat Juan na lumilipad kasama ang Cebu Pacific. (JERRY S. TAN)