Advertisers

Advertisers

Angel diniin, iboto ang kulay rosas at ‘wag ang mga ipoposas

0 359

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA mga rally ni VP Leni Robredo ay may pagkakataon na sumasama si Angel Locsin sa rally.
At isa nga rin si Angel na nagpapahayag kung bakit ang Gobyernong Tapat ni VP Leni ang kanyang sinusuportahan.
Pero inihayag na rin ng aktres na si Kiko Pangilinan na rin ang iniendorso at gusto nito na maging VP ng bansa.
Sa pahayag ni Angel sa rally ng team LeniKiko, sinabi nito kung bakit naghihirap pa rin ang mga mamamayan.
Ito ay dahil sa pagboto raw ng mga Political Dynasty na sila lang ang nakikinabang, ayon sa esmi ni Neil Arce.
Dagdag patutsada at paalala ni Angel sa mga botante na wag na bigyan pa ng kapangyarihan ang mga manloloko at magnanakaw.
Bago pa man natapos si Angel ay may pahabol na pasaring ito sa kabilang kubol na piliin nga raw ang Kulay Rosas kaysa sa mga ipoposas.
***
Rominick kinontra ang sinabi ni Isko
PINURI ng netizens ang sinabi ni Romnick Sarmenta sa pagkontra nito sa sinabi ni Presidential candidate na si Isko Moreno.
Iginigiit ng kaibigan ni Romnick na si Isko na kapag nanalo ang pula or dilaw ay magkakagulo raw.
Di yata nagustuhan ni Romnick ang patutsada ni Isko sa kanyang mga kampanya at interbyu.
Kaya naman nagpasaring at kinontra ni Romnick ang tinuran ni Isko na kasamahan niya sa That’s Entertainment.
Mas magkakagulo nga raw ayon kay Romnick kung ang iboboto ay mga trapo kapag ‘yun at ‘yun pa rin ang mananalo ay talagang di matatapos ang kahirapan.
Ipinagsigawan pa ni Romnick na kailangang malinis ang track record at walang bahid ng korapsyon ang dapat iboto.
Nakakuha naman ng pogi points si Romnick at ang pinili nito ay isang mabuti at matinong mamumuno ng bansa.
Well, well, well… ‘Yun na!