Advertisers
INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan at poll candidates para tanggalin ang mga campaign waste materials sa loob ng tatlong araw.
Sa inilabas na advisory, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na unang mandato aniya matapos ang isinagawang eleksiyon ang paglilinis sa mga kalat gaya ng mga ginamit na campaign paraphernalias.
Hinihikayat ni DILG chief ang mga kasalukuyang LGU officials at lahat ng mga kandidatong nahalal o natalo man na manguna sa pagbabaklas ng kanilang mga campaign materials.
Ayon kay Año, ang proper disposal ng campaign materials ay kailangang alinsunod sa environmental laws at local ordinances laban sa iligal na pagtatapon, pagsusunog sa open spaces at pagkakalat ng mga basura.
Iginiit din ng opisyal ang paggamit ng mga material recovery facilities sa mga barangay at LGUs para sa pagkolekta at pagrestore ng mga reusable materials.
Hinikayat din ni Año ang mga organizers ng political activities na maging responsable sa pagtitiyak na maayos na ma-dispose ang mga kalat mula sa kanilang mga isinagawang aktibidad.