Advertisers

Advertisers

History ang 30m plus votes ni BBM

0 399

Advertisers

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga political analyst lalo ng mga kritiko ng Marcos ang napakalaking boto na nakuha ni President-elect Bongbong Marcos, Jr.

Higit sa 30 million ang boto na nakuha ni BBM na nag-match naman sa mga naging presidential surveys ng SWS, Pulse Asia, Publicus at Ibon Foundation.

Ikinumpara ng mga political analyst ang naging boto ni BBM sa nakaraang apat na presidente ng bansa na sina Erap 1998 na nagkaroon lamang ng 10 million votes.



Si Erap ay mabangong mabango noon sa masa. Pero ‘di pa uso noon ang social media at wala pang mga eksperto sa information technologies (ITs).

Sumunod kay Erap ang “mandarayang” si Gloria Macapagal-Arroyo (2004) na nagkaroon ng 12 million plus votes laban kay late Fernando Poe, Jr. na na-zero pa sa isang bayan sa Pangasinan, sa lugar ni late Sec. Bebot Villar. Hindi yata ibinoto si “Da King” ng kanyang mga kamag-anak at leaders doon. Hehehe…

After GMA, si late Noynoy Aquino (2010) na nakakuha naman ng 15 million plus votes laban sa closest rival na si ex-Senate President Manny Villar, ang number one bilyonaryo ngayon sa Pilipinas.

Then ang palamurang si Rody Duterte (2016) na nakakuha ng 16 million plus votes laban kina ex-Sen. Mar Roxas at Sen. Grace Poe.

Halos kalahati lang ng numerong ito ni Duterte ang nakuha ni BBM with more than 30 million votes. Hanep noh? Its history! Hehehe…



Yes! History talaga ang numerong ito ni BBM. History rin ang naging bilangan ng boto, sobrang bilis. Talo pa ang botohan sa Estados Unidos. Mantakin mo ilang minuto pagkasara ng election, alam agad ang winning president. Hahaha…

Kaya kinukuwestyon ngayon ng mga kritiko ni BBM ang kridibilidad ng Comelec at ng Smartmatic.

Well, tingnan natin kung saan aabot ang mga protestang ito na pinamumunuan pa ng mga scholar ng bayan, mga estudyante ng UP at ibang state universities/colleges.

Isa lang ang sigurado rito sa pagkabalik ng Marcos sa Malakanyang, uulanin ito ng protesta. Peks man!

Pero kung ako ang tatanungin, makabubuting pagbigyan muna magtrabaho si BBM sa kanyang 1st 100 days. Malay natin maganda ang kanyang mga programa sa pagbalik nila sa Palasyo.

***

Napakalaki ng problema ng bansa ang kakaharapin ni BBM sa kanyang pag-upo simula Hulyo 1.

Oo! Mahigit P13 trillion ang utang ngayon ng Pilipinas. Gawa ito ni Duterte na nangutang nang nangutang sa loob ng anim na taon niyang termino. Idinahilan niya rito ang pandemya ng Covid-19 kungsaan naging talamak ang korapsyon (sa pagbili ng mga bakuna at facemask/faceshields).

Isa pang problema ng bansa ay itong pananakop ng China sa mga isla at karagatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Bukod pa sa talamak na iligal na droga, na hindi naman nasugpo ni Duterte. Nabudol ang 16 million Pinoy sa kanyang pramis na “3 to 6 months” drug-free at corruption-free ang Pinas. Animal!

Pero ang higit na inaabangan ngayon ng mga mahihirap na bomoto kay BBM ay ang kanyang pramis na P20 per kilo ng bigas at ang pagkakaisa ng lahat.

Abangan!