Advertisers

Advertisers

Mag-live in todas sa closed van

0 279

Advertisers

Dead on the spot ang mag-live in partner ng aksidenteng salpukin ng rumaragasang closed van delivery truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Lipa-Alaminos Road, Brgy. Dagatan, Lipa City, Batangas nitong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rico Javier, 42, residente ng Brgy. San Isidro, Candelaria, Quezon ang driver ng motorsiklo; at ang back ride nito na si Olga Casingal, 45, residente ng Brgy. Looc sa Calamba City, Laguna; habang nakilala ang salarin na driver ng closed van na si Rolly Ferrel, 31, tubong Purok Acacia, Cateel sa Davao Oriental at kasalukuyang residente sa Brgy. Sta. Cruz ng Sto. Tomas, Batangas.

Sa report ng Lipa City PNP, lulan ng naturang motorsiklo ang mga biktima patungo ng Brgy. Talisay habang ang sasakyan ng salarin nasa kabilang linya patungo ng JP Laurel Highway Brgy. Maraouy ng Lipa City. Subali’t pagsapit sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente nag-over take ang closed van sa sinusundan nitong sasakyan at aksidenteng nabundol ang motorsiklo ng mga biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga humagis sa ere ang magkasintahan bago bumagsak sa lupa ng ilang metro ang layo sa kanilang sinasakyan motorsiklo.



Agad na binawian ng buhay ang dalawang biktima dahil sa mga tinamong matinding pinsala sa kanilang mga ulo at katawan.

Pansamantalang nakaditine sa Lipa City Lock up cell ang suspek at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence in Resulting to Double Homecide and Damage to Property.(Jose Koi Laura)