Advertisers

Advertisers

Biro nauwi sa saksakan: 2 patay

0 220

Advertisers

Patay ang dalawang lalaki nang pagsasaksakin ng mag-ama sa Agoo, La Union.

Nagsimula ang insidente nang magtungo ang amang salarin noong gabi ng Huwebes sa kaniyang kaibigan, na kapitbahay ng biktima.

May biro umanong binitawan ang ama, na hindi nagustuhan ng biktima kaya nagkaroon ng komprontasyon at suntukan.



“Nasabi kasi nitong salarin sa kaniyang kaibigan, ‘Ay gusto mo barilin kita.’ Ganoon ang sinasabi… Iba naman ang pagkakaintindi, na-misinterpret niya siguro dahil nasa impluwensiya ng alak [kaya] kinumpronta niya ito,” sabi ng imbestigador na si Corp. Fidel Ramos.

Umuwi ang salarin at pagbalik nito sa crime scene sa Barangay San Nicolas, kasama na niya ang kaniyang anak para gantihan umano ang biktima.

“Agad nilang hinanap itong nanuntok sa kanya. Noong makita nila agad nilang pinagtulungan nila ito,” ani Ramos.

May isang sumubok na pumigil sa gulo pero maging ito nasaksak ng mga salarin.

Dead on arrival sa ospital ang mga biktima dahil sa tinamong mga saksak sa kani-kanilang dibdib.



Nahuli rin ang mga salarin na hindi pa pinangalanan sa isinagawang hot pursuit operation.