Advertisers

Advertisers

‘Bubble Gang’ mas pinasaya sa bagong timeslot

0 462

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

SIMULA sa May 27, Biyernes, mapapanuod na nang mas maaga ang longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang.
Alas-9:40 na ng gabi ito masasaksihan ng viewers kasama ang pagbabagong bihis ng programa.
Mga bagong segment at ilang cast members ang idinagdag para mas lalo pang magpasaya ng Biyernes ng gabi nyo.
Kasama pa rin sa mas pinasayang Bubble Gang sina Michael V, Paolo Contis, Sef Cadayona, Kokoy de Santos, Archie Alemania, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Barro at Faye Lorenzo.
Makakasama na rin ng BG Barkada sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim de Leon mula sa direksyon ni Frasco Mortiz.
Tsika nga ni Bitoy sa virtual presscon, desisyon anya ng management ang pagbabagong-bihis ng Bubble Gang.
Personal din daw kinausap ni Bitoy ang mga natanggal na cast sa show para maunawaan ng mga ito ang nangyari.
“Hindi kasi pwedeng maging stagnant yung show, it has to grow and expand and I think this is the best way na gawin yun,” sey ng komedyante.
“Ang dami nang platforms sa social media so I think since trying to stay relevant yung show, pati yung platform na pinaglalabasan niya dapat maging relevant din,” aniya pa.
Sabi naman ni Chariz, itinuturing na anya niyang second home ang Bubble Gang lalo pa’t ilang taon na rin siya rito at napamahal na sa kanya ang mga kasamahan sa BG.
Excited naman si Kim na mapabilang sa gag show na ‘ika nga niya ay ‘Bata pa lang ako napapanood ko na.”
Pahayag naman ni Tuesday, lumabas na raw siya nuon sa BG kaya hindi na rin bago sa kanya ang programa. Pero happy si Tuesday na maging regular na ngayon sa show at makapagpasaya sa mga suking manonood nito.