Advertisers

Advertisers

Sey mo Kim…Xian at Barbie huli, magkasama sa hotel

0 385

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAY post ang isang hotel na may caption na ‘Thank you Barbie Imperial and Xian Lim for staying at Rosario Mati Hotel.’
Nag-viral ang picture nina Barbie at Xian na magkasama sa isang hotel habang nakangiti.
May isa pang larawan na may kasama pa silang 3 babae na nakatakip ang mga mukha.
Kaya naman ang mga Maritess ay kinuha ang atensyon ni Kim Chiu, ang gf ni Xian.
Pero kuda ng netizens na baka ‘di naman magkasama sina Xian at Barbie. Nagkataon lang na parehong hotel ang kanilang napuntahan.
O baka naman may taping o project na kukunan sa nasabing hotel.
Kahit naman iisang hotel ‘yun for sure na magkahiwalay sila ng room, pagtatanggol pa ng netizens kina Barbie at Xian.
Kaya naman may umalarma na kay Kim na igalaw na raw ang baso at shot mo na.
Ano naman kaya ang reaksyon ni Kim sa nag-trending na larawan nina Barbie at Xian na magkasama sa hotel?
Wala pa naman tugon dito sina Barbie, Xian at Kim sa nag-viral na larawan.
***
Angelica ipinasilip ang room ng magiging baby
SA post ni Angelica Panganiban sa kanyang socmed account ay excited itong ibinahagi at ipinasilip ang room ng kanilang magiging anak ng non-showbiz bf na si Gregg Homan.
Sa caption nga nito sa larawan, sinabi nito na ito ang matagal na role na gusto niyang gampanan at dumating na ang pagiging nanay.
May pinturang puti ang magiging kuwarto ng soon to be baby nina Angelica at Gregg with matching drawing ng sea creature.
At now alam na kung bakit niligwak nito lahat ng offer sa kanya na proyekto.
May pinaghahandaan pala ito, ang pagiging mother na malapit na mangyari.
Gagayahin din yata ni Angelica ang peg ni Marian Rivera na maging hands on sa pagtutok sa kanilang anak ni Gregg.
For sure alam na kung sino ang magiging ninang nito, ang kanyang mga frienship na sina Angel Locsin, Anne Curtis, Dimples Romana at Bea Alonzo.
Well, well, well…’Yun na!