Advertisers

Advertisers

Marcial at Ladon, usad sa SEAG Boxing Finals… TEAM PH 40 GOLD MEDALS AND COUNTING

0 600

Advertisers

MATUMAL ang ani ng ginto para sa Pinoy athletes sa huling bahagi na ng papatapos nang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam pero inaasahang sisiglang muli ito sa mga nalalabing events na malaki ang tsansang makasungkit ng ginto upang maisalba ang bansa sa ikatlong puwesto na naagaw na ng Indonesia.

Ang Team Philippines ay ginigitgit naman ng Singapore sa ikaapat na puwesto.

Umistrayk ng ginto ang Pinoy men’s bowling team nina Merwin Tan, Christian Dychangco, Ivan Malig at Patrick Nuqui upang idagdag sa naunang produksiyon sa singles triumph ni Tan noong nakaraang Lunes.



Sinundan ito ng golden performance ni Philippine judoka Rena Furukawa Lanoy matapos maungusan si Chu Myat Noe Wai ng Myanmar 1-0 sa finals ng women’s minus 57kg class sa Hoai Duc Gymnasium.

Ang kambal na gintong ani ng Team Philippines, na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, ay umabot na sa 40, kabilang na ang tagumpay sa women’s Wild Rift squad kamakalawa bilang kauna-unahang esports gold ng bansa sa SEAGames.



Di naman ito naging sapat para pigilan ang Indonesia na pansantalang ma-dislodge ang Pilipinas sa tersera puwesto at maging kaagaw ang Singapore sa sa fourth overall.

Namayagpag na ng husto ang Vietnam para sa overall title sa aning 150-90-82 habang press time, habol ang Thailand sa kartang 62-65-95 habang ang Indonesia na umusad pangatlo ay may 42-60-56 na ani.



May 40 gold medals ang Pilipinas ,57 silver af 78 bronze habang 40-41-53 tally ang Singapore sa pwestuhan.

“Masayang-masaya po sa second gold. Hindi namin inaasahang mananalo, basta inin-joy lang namin ang game,” wika ni Tan, dating junior bowler na sumabak sa ikatlo niya nang SEA Games.

“Between team and individual gold medal, mas gusto ko ‘yung team kasi kami lahat mag-uuwi ng medalya,” ani pa Tan.

Umusad naman sa boxing finals sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial at teammate Rogen Ladon.

Si Marcial, 26, paborito sa middleweight class ay pinulbos ang 21-anyos na si Peerapat Yeasungnoen ng Thailand via second-round RSC (referee-stopped-contest) sa Bac Ninh Stadium.

Haharapin ni Marcial ang pambato ng Timor Leste na si Delio Anzaqeci Mouzinho ipara sa gold medal bukas.

Nalusutan naman ni Ladon, pride ng Bago City, Negros Occidental, si Thanarat Saengphet ng Thailand via split decision upang umabante sa finals ng men’s flyweight category.

“I engaged him because I knew I can take his punches so I focused on counterpunching,” saad ni Marcial.

Nakamit naman ang silver medal nina Grandmaster Darwin Laylo at International Master Paulo Bersamina sa rapid chess. (Danny Simon)