Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING phenomenal hit noong panahon ng lockdown ang BL seryeng “Gameboys” na iprinudyus ng The Ideafirst Company.
Sa nasabing serye, nakilala ang tambalang EliKoy nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.
Katunayan, dahil nga sa success ng nasabing serye, inilabas din ang re-cut version nito na “Gameboys: Level up Edition” sa Netflix.
Noong nakaraang taon naman, ni-reprise nina Elijah at Kokoy ang kanilang roles sa movie version na “Gameboys: The Movie.”
Ang serye namang “Gameboys 2” ay malapit nang ipalabas sa Vivamax Plus at KTX.
Anu’t anupaman, meron nang masasabing fan base ang tambalan ang dalawa.
Lately naman, tila nagrerebelde ang EliKoy fans dahil sa pagpasok ng isang babae sa eksena.
Ito ay kalat na sa larawang naibahagi sa social media na may pa-dramang silhouette pero kita naman agad na si Elijah umano ang kayakapan niya.
Sinabayan pa ito ng pagbati ng bagong host ng “Eat Bulaga” na si Miles Ocampo kay Canlas na: “Happy birthday to my favorite person in the world! Here’s to more adventures and memories.”
Dahil dito, nagkaroon tuloy ng espekulasyon na si Ocampo ang bagong apple of the eye ni Elijah.
Sa kaganapang ito, may mga nagdadabog ang bangs kung makatulong daw kaya ang balitang Miles and Elijah are playing sweet music together lalo pa’t may paparating na “Gameboys Season 2”?
Mabantilawan daw kaya ang excitement ng EliKoy fans sa bagong kaganapang ito.
Hirit tuloy ng mga nagmamahadera, tinik si Miles sa tambalang Elijah at Kokoy.