Advertisers
Ni BETH GELENA
MALAKI ang pagrespeto ni Julia Montes sa namayapang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang mga handwritten letters na naibigay sa kanya ng late veteran actress.
Ani Julia, hindi niya makakalimutan ang mga kwento at payo ni.Ms. Susan sa kanya sa buhay at sa buhay pag-ibig.
Binigyan din daw siya ng CD ng Greatest Love of All at binilinan pa siyang wag daw niyang kakalimitan ang awiting iyun.
Pagbabahagi ni Julia, “One of the few handwritten letters from you … hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig.d’¹“h-Ò“ mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral … mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan… isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan… “
Ani Julia, hindi raw mawawala sa kanyang puso ang lahat ng itinuro sa kanya ng aktres.
“Wag po kayong mag-alala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!” pamamaalam niya kay Lola Flora.
Nitong May 22, nag-umpisa na ang public viewing para sa mga labi ni Ms. Susan.
Tatagal ito hanggang sa May 24 mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Wala pang inilalabas na kumpirmasyon kung kailan at anong oras ang magiging libing ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.
***
BEA PADILLA PHOTOBOMBER ANG MAGANDA AT SIKAT NA SI JENIFFER CONNELLY
DUMALO ang Pinay aktres na si Bela Padilla ng premiere night comeback movie ng aktor na si Tom Cruise, ang Top Gun: Maverick sa London.
Aba, sa kuhang larawan ni Bela ay may photobomber siyang kasama.
Siya lang naman ang lead actress sa movie ni Cruise, ang magandang si Jeniffer Connelly.
Overwhelmed ang Pinay actress-director habang ibinabahagi sa lanyang socmed ang larawang kuha sa pagdalo niya sa premiere night.
Hindi nagpatalbog sa mga Pranses at mga nasa high society ang beauty ng aktres at maging ang kasuotan nito.
Naka-dressed to empress din si Bela habang may hawak na Chanel pouch.
Sey ng aktres, “It’s not everyday you’re photobombed but the beautiful @jennifer.connelly on the red carpet so I’m gonna leave this here…? we had a moment shortly after and I got lost in her blue eyes as she said hi to me.
“Many many thanks to @adrianneconcept for styling me in this lovely @mrselfportrait dress. Thank you @theklassicagency for sending me to such a fun event and special thanks to @officialamel for being such a cute date and for capturing this moment #topgunmaverick.”
Nanghinayang lang din ang aktres dahil wala siyang mai-share na photo sa pagdalo ng Duke and Duchess of Cambridge sa nasabing red carpet ng London premiere ng Top Gun: Maverick.
***
ANGELINE PUMIYOK NA PINEPERAHAN LANG NG PARTNER
TULUYAN nang pinakita ni Angeline Quinto ang kabuuan ng hitsura ng partner na si Nonrev.
Sa YouTube Channel ng singer kasama niya ang partner at ang anak nilang si Sylvio.
Natatawa lang si Angge kapag naba-bash ang non-showbiz partner na pineperahan lang daw siya nito at umiiral pa rin ang pagiging pabling kahit tatlo na ang anak.
May dalawa na kasinì anak sa magkaibang babae ang guy.
Ayon naman kay Angge tanggap niya kung anuman ang nakaraan ng partner.
Pero hindi siya kumbinsido na pineperahan lang siya umano ng boyfriend.
“‘Yung huli, natatawang sabi ni Angge, mas siya pa nga raw ang nakakaubos ng laman ng Gcash nito. Hindi malinaw kung ano ang talagang work ng boyfriend pero nabanggit ni Angeline na bilib siya rito dahil kahit tanghaling tapat, nagde-deliver ng perfume.
All girls ang unang anak ni Nonrev sa dating mga nakarelasyon.
Happy naman ang singer na may mga ate na ang anak nila at talagang wish daw niya na ma-meet ang mga ito at gayundin ni Sylvio ang mga kapatid niya.
“Sobra kong happy na nandiyan si Non, nandiyan si Sylvio. Since nawala si Mama, para ‘kong nagkaroon ng panibagong purpose,” ani Angeline.