Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISA na namang blessing ang dumating kay Kapuso actress at Mano Po Legacy: Her Big Boss star Bianca Umali.
Isa kasi siya sa mga napiling endorsers ng skincare brand na Kind Skincare. Kabilang din siya sa billboard nito na makikita sa EDSA.
Proud si Bianca na magkaroon ng ganitong oportunidad.
“When I was told na may billboard, noon pa lang I was already excited because not everyone is given the chance to be on one of the biggest billboards in EDSA. Being part of Kind has been wonderful. I love the people behind the brand, down to the products itself. I am definitely happy and thankful. (‘,” pahayag ni Bianca.
Grateful din daw siya sa bagong blessing na ito.
“I think what makes this billboard experience different is where it is located and the size of it. I am very thankful to JC Premiere and Kind Skincare for choosing me to be part of their brand,” aniya.
***
HINANGAAN nang husto ang ganda ni Sanya Lopez bilang Reyna Elena sa Bulacan.
Si Sanya ay naging Reyna Elena sa sagala ng Santa Maria, Bulacan. Ilan sa mga fans ni Sanya ang natuwa nang masilayan ang magandang Kapuso star.
Ayon sa kanila, si Sanya ay isang napakagandang Reyna Elena!.
Ilan sa mga fans ni Sanya ang natuwa nang masilayan nila ang aktres sa Santacruzan.
Litaw na litaw ang ganda ng ‘First Lady’ star sa kanyang pabulosang white gown.
Kahanga-hanga rin ang glam makeup look ni Sanya sa Santacruzan.
Kitang-kita naman ang saya ni Sanya na makita ang kanyag mga supporters at tagahanga sa Santacruzan.
Masaya ring nag-pose for photos si Sanya para sa mga dumalo sa Santacruzan.
***
SAMPUNG taon na ang Artist Circle Talent Management Services na management agency ni Rams David. At isa sa mga loyal talents ni Rams ay si Sheryl Cruz.
Ano ang masasabi ni Sheryl na isang dekada na ang talent agency na kinabibilangan niya?
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na hanggang ngayon after ten years ay aktibo pa rin ang Artist Circle, ang AGP House Of Characters na dating pangalan niya.
“At kahit papaano meron na siyang kasangga ngayon, na tutulong sa kanya so I’m very happy kay Rams, para kila Ms. Tere, para kila Ms. Cris, and the entire Artist Circle family, going strong within ten years, parang kailan lang.
“And nagpapasalamat ako na andito pa rin ako,” umpisang pahayag ni Sheryl na nakausap namin nitong May 11 sa 10th anniversary celebration ng Artist Circle Talent Management Services sa AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place na pag-aari ni Tei Endencia na isa rin sa mga artists na hawak ng Artists Circle na katuwang ni Rams ang mga kapatid niyang sina Tere at Cristina David.
Isa si Sheryl sa labing-anim na talents na binigyan ni Rams ng loyalty awards sa gabi ng kanilang anibersaryo, kabilang sina Shyr Valdez, Chanda Romero, Odette Khan, Mosang, Mel Kimura, Dang Cruz, Ces Quesada, Jet Rai, Andrew Schimmer, Robert Correa, Marlon Mance, Rico Robles, Lorenz Martinez, Mike Magat, at Celia Rodriguez.
Ang ilan pa sa mga artists ng Artist Circle ay sina Jelai Andres, Jopay Paguia at mister nitong dancer din na si Joshua Zamora, ang mga kapwa Sexbomb Dancers ni Jopay na sina Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Cheche Tolentino at Aira Bermudez, Krissy Achino, ang magkapatid na Mike at Carlos Agassi, Mico Aytona, BJ ‘Tolits’ Forbes, Inday Garutay, Kiks Ferrer, Christian Antolin at Wilma Doesnt at anak nitong si Asiana Doesnt at marami pang iba; humigit-kumulang sa pitumpu ang mga talent na nasa pangangalaga ng Artist Circle.