Advertisers

Advertisers

SABLAY NA ULAT NG CHR

0 182

Advertisers

TILA di parte ng pamahalaan kung makapag-ulat itong Commission on Human Rights (CHR). Dahil sa inilabas nitong Report on Investigated Killings in Relation to the Anti-Illegal Drug Campaign noong April 2022, sinasabi ng komisyon na ang mga naganap daw na pagpatay ay di naaayon sa batas.

Ang mga ganitong konklusiyon, ayon sa Legal Cooperation Cluster ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinamumunuan ni Assistant Solicitor General Angelita Miranda ng Office of the Solicitor General ay dapat may basehan.

Lumalabas na sinisiraan pa nga ng CHR ang pamahalaan sa pagsasabing ang mga patayang naganap sa laban sa iligal na droga ay may basbas ng pamahalaan.



Sabi ni Miranda, kung ang mga pagpatay sa laban sa droga ay nakalabag ng mga batas, dapat ihain ang mga kaso sa Korte upang ito ang magpasaya, at hindi basta basta na lamang sasabihin ng CHR na ang mga ito ay paglabag sa batas.

Tulad ng sinasaad ng komisyon na may mga saksi sa mga patayang naganap na magpapatunay na mali ang nangyari. Ngunit di prinisenta ng CHR Report kung naimbestigahan din ang pagka-tao ng mga sinasabi nilang mga nakasaksi.



Kung meron man na imbestigasyon sa integridad ng mga saksi, dapat ay kinasuhan ng CHR ang mga lumabag sa batas, at di nito dapat isinisisi agad sa pamahalaan ang mga pangyayari.

Sa nasabi ring ulat ng CHR, ni hindi nabanggit na ang ibang patayang naganap sa laban sa droga ay kagagawan din ng mga sindikato ng iligal na droga. Sana man lang ay naisama rin ng CHR ang mga alagad ng batas na nagbuwis ng buhay dahil sa laban na ito. Eh wala rin.



At imbes na isama ang mga bilang o datos ng mga naaresto, nasamsam na droga, at nadismantle na mga laboratoryo, pinalalabas ng CHR na may pagkukulang o mali ang pamahalaan.

Hindi ba parang sablay ang ulat na ito ng CHR? O’ baka naman napasok na rin kayo ng mga kalaban ng batas at ng pamahalaan? Kaya nagkaganyan ang inyong ulat?

***

PASASALAMAT SA MGA MEDIA SECURITY VANGUARDS

HAYAAN ninyo muna akong ilaan ang pitak na ito upang pasalamatan ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna nito na pangasiwaan ang nagdaang halalan at maging ang seguridad ng lahat lalo na sa aking mga kabaro sa sektor ng pamamahayag.

Bilang ‘frontline government agency’ na pinamumunuan ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang inyo pong lingkod ay lubos na nagpapasalamat sa ‘men and women’ ng PNP.

Ito ay dahil na rin sa mabisang pagbabantay ng PNP Media Security Vanguards (MSV) sa pangunguna ni PBGen Roderick Augustus Alba, chief ng PNP Public Information Office, upang pangalagaan ang mga mediamen lalo na sa mga kanayunan na nasasabak sa pagco-cover ng maiinit na labanan sa halalan sa kani-kanilang mga lugar.

Sabi pa nga ni Alba, pinaigting ng PNP ang proteksiyon nitong maibibigay sa lahat ng journalists sa pakikipag-ugnayan na rin ng Office of the President sa pamamagitan ng PTFoMS.

Nalalaman raw ng PNP kung gaano kaimportante ang papel nito sa pagbabantay sa mga media at sa malayang pamamahayag, lalo na sa panahon ng eleksiyon.

Katunayan, at atin din ipinasasalamat ang ulat ng PNP na wala naman silang naitalang karahasang nangyari sa sinoman na media sa nagdaang panahon ng halalan.

Magandang senyales ito na ang pagsasagawa ng halalan sa bansa ay unti-unti nang maayos, malinis at payapa kung saan 110 milyong Filipino ay kabilang.

Kinumpirma pa nga ito ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at pinasalamatan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapariyudad nito sa maayos at malinis na halalan.

Ito ay katibayan ng sinsiridad ni Pangulong Duterte na protektahan ang demokrasya, kabilang na ang malayang pamamahayag, di lamang sa salita kung di pati sa gawa.

Tinatawagan ko ang lahat ng mamamahayag, bilang bantay bayan at ng demokrasya, na maging daan para sa kapayapaan at pagkakaisa, at mailahad sa lahat na dapat respetuhin ang resulta ng halalan.