Tulong sa mga nasunugan sa Pandacan, inutos na ni Isko sa SWD
Advertisers
INUTUSAN na ni Manila Mayor Isko Moreno si social welfare department chief Re Fugoso na tulungan ang mga pamilyang biktima ng sunog sa isang residential area sa Pandacan, Manila nitong weekend.
Nabatid na may 10 kabahayan ang natupok sa sunog na naganap sa Kahilum 2 sa Pandacan, Manila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire of Protection (BFP) nagsimula ang sunog dakong alas-5:24 ng umaga sa dalawang palapag na bahay sa 1239 Maaliwalas Kahilum 2 St., Pandacan.
Umabot ang sunog ng second alarm na nadeklarang fireout ganap na alas- 6:26 ng umaga.
Walang naiulat na nasawi o nasaktan at tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog. (ANDI GARCIA)