Advertisers
HINDI angkop para sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) ang isang KALIHIM na ignorante sa mga batas na may kaugnayan sa kuryente at langis. … lalo na ngayong tayo ay nasa gitna ng krisis sa enerhiya,
Tumbukin na natin.., hindi kasi inaasahan ng karamihan na sa bibig mismo ni ENERGY REGULATION COMMISSION (ERC) CHAIRPERSON AGNES DEVANADERA magmumula ang giit na pagbasura ng value added tax sa kuryente.., na hindi na kailangan pa ang anumang batas.
Ang totoo, sadyang pasakit sa mga ordinaryong Pinoy ang mataas na buwanang singil sa kuryente.., na dapat lang naman gawan ng paraan ng pamahalaang mapababa ang buwanang singil ng mga pribadong kumpanyang gaya ng MERALCO.
Ani DEVANADERA na dating JUSTICE SECRETARY sa administrasyon ni GMA.., ay hindi na kailangan ang KONGRESO para ibasura ang VAT sa power generation.
Mga ka-ARYA.., hindi ako isang abogado at hindi naman kailangang maging abogado para maunawaang Kongreso lang ang pwedeng gumawa ng batas..,
katunayan, ang mismong may akda ng REPUBLIC ACT 10963 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law) ay ang mismong kumapon sa giit ng dating JUSTICE SECRETARY nina GMA at BIG MIKE.
Ayon kay HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS CHAIRPERSON JOEY SALCEDA ng ALBAY na gawa ng KONGRESO ang VAT.., kaya KONGRESO rin lang ang pwedeng magbasura o magrebisa sa tax law.., at dito ay walang panama ang isang reglamentong taliwas sa batas na binalangkas ng Kongreso at nilagdaan ng PRESIDENTE.
Heto pa.., mali rin aniya ang pag-unawa ni ATTY. DEVANADERA sa usaping double taxation sa VAT na ipinapataw sa generation charge at distribution charge.
Sa tono ni CONGRESSMAN SALCEDA, mukhang hindi sapat ang kaalaman ng ERC CHAIRWOMAN sa batas na may kaugnayan sa enerhiya.., ang masaklap ay tila target pa ni ATTY. DEVANADERA na pumuwesto bilang DOE SECRETARY na bahagi ng ECONOMIC TEAM ni PRESIDENT ELECT BBM.., naku po, hindi kaya magkakahetot-hetot ang isang sensitibong departamento kung ihihirang ang tulad ni DEVANADERA o kaya ay isang MIKEY ARROYO sa DOE?
Tama ang punto ni Salceda.., na walang dapat pinapaboran ang VAT; kung papatawan mo ng buwis ang pandesal na paborito ng isang simpleng pamilya, bakit di mo rin patawan ng buwis ang mga negosyanteng gumagawa ng harina at lebadurang sangkap sa tinapay?
Maraming paraan para pababain ang electricity rate nang hindi masasagasaan ang mga programa ng pamahalaan para sa mga mamamayan.
Mas angkop kung pag-aaralan muna niyang mabuti ang mga batas hinggil sa enerhiya para naman hindi siya nagmumukhang eng-eng.., pero teka, ano ba ang nagawa niya bilang ERC CHAIR?
Ah meron nga naman pala…,ang isulong ang interes ng taong nagluklok sa kanya sa pwesto; protektahan ang ABOITIZ POWER at pahintulutan ang walang puknat na dagdag singil ng mga power distribution companies sa mga konsyumer.., bagay na ginawa na ng mga tulad nina MIKEY ARROYO at ni OUTGOING ENERGY SECRETARY AL CUSI.
Sa problemang kinakaharap at dinadanas ng ating bansa ay hindi kailangan ang isang hilaw na pag-unawa sa mandato ng pinupuntirya niyang ahensya na mapamunuan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.