Advertisers

Advertisers

City Engineering/DPS, pinuri ni Isko

0 294

Advertisers

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno ang city engineer’s office sa pamumuno ni Engr. Armand Andres at ang department of public services sa ilalim naman ni Kenneth Amurao sa patuloy na na declogging efforts nito sa buong lungsod.

“Walang tigil every single day ang unclogging of solid materials para tuloy-tuloy ang daloy. Pagdating ng bagyo at tag-ulan, hupa agad ang tubig kasi hindi barado,” sabi ni Moreno.

Nanawagan din ang alkalde sa mga residente na ilagay sa maayos na lalagyan ang kanilang mga basura, upang hindi makadagdag sa suliranin ng pagbaha dulot ng mga baradong kanal, iburnal at daluyan ng tubig.



“Ang DPS at city engineering, walang ginawa kundi magsipsip ng mga imburnal, maglinis ng mga ilog, so please cooperate,” ayon kay Moreno.

“Lagi kong paalala, ang basurang itinapon ninyo, babalik sa inyo,” dagdag pa nito.



Pinuri din Moreno ang mga tauhan ng city government offices dahil sa kanilang dedikasyon. Sinabi pa nito na mayroon pa nga ang mga ito na tinatawag na ‘submarine boys’ na sumisisid sa manholes upang alisin lamang ang nakabara sa daluyan ng tubig.

Samantala, binati rin ng alkalde si Amurao sa pagko-conceptualized ng recycling ng mga campaign materials na tinanggal ng mga kawani ng DPS.



Ang mga materyales na ito tulad ng tarpaulins ay maaaring gawing bag sa halip na itapon na lang. (ANDI GARCIA)