Advertisers
NAKAAMBA na naman ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikatlong linggo ng price increase sa produktong petrolyo sa bansa.
Base sa oil trading monitoring, tataas ng P2.00 hanggang P2.30 ang kada litro ng diesel.
Habang tataas naman ng P0.20 hanggang P0.50 ang kada litro ng gasolina.
Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau o DOE-OIMB Director Rino Abad, ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ay dahil na rin sa mga lockdown sa China dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Karaniwang ipinatutupad ang price adjustment sa petrolyo tuwing araw ng Martes.