Ella ‘di kering magpaseksi kaya aprub na muna sa horror; Gabby magbabakasyon pagkatapos ng ‘First Lady’
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI na bago para sa batikang aktor na si Gabby Concepcion ang magkaroon ng separation anxiety sa tuwing nalalapit ang pagtatapos ng kanyang mga seryeng ginagawa pero sa “First Lady” ay aminado siya na mas tumindi ngayon ang kanyang nararamdamang sepanx, dumoble kaysa noong nalalapit na ang pagtatapos ng taping sa serye nila nina Carla Abellana at Jennylyn Mercado.
“Ito na naman ‘yung feeling ng tinatawag nilang “sepanx,” separation anxiety. Nangyari ito sa akin noon noong gumawa kami ng teleserye with Carla and sila Jennylyn, lahat ng mga nakasama ko sa teleserye. And it’s the last two, three days, talagang nakakalungkot. And we’re already going that direction,” sabi ni Gabby.
Naging malaking factor umano ang lock-in taping at haba ng pagsasama nila ng buong cast ng team ‘First Lady’ kaya mas lumalala ang kanyang anxiety.
“Yung lock-in na tinatawag nila. Doon talaga naging close ‘yung cast, ‘yung mga kasama ko, sa staff, basta lahat ng kasama ko sa paggawa ng First Lady,” dagdag na say pa ni Gabby.
Para makabawi at makabalik sa sarili si Gabby ay mahaba-habang bakasyon daw ang kanyang gagawin at super recharge siya to the highest level. Wala raw balak si Gabby na mag-out of the country para sa kanyang much needed vacation, sa sariling tahanan at beach lang daw ang staycation ng magaling na aktor.
***
ISA si Ella Cruz na maituturing na loyal Viva talent at matagal-tagal na rin siya sa naturang kumpanya.
Knowing Vivamax, palaban and daring ang genre ng kanilang mga pelikulang ginagawa. May chance naman kaya si Ella na magbida rin sa pelikulang tatak Vivamax?
“Ay ibang klase yung sexy films sa Vivamax ngayon, hindi ko kaya. Nakakaloka. Sa horror films na lang muna ako,” pahayag ni Ella.
Happy naman ang young actress sa mga project na ginagawa niya under Viva, and lately nga ay showing na rin sa lahat ng Vivamax ang horror movie nila ni Ryza Cenon na unang pinalabas sa Horror Filmfest ng SM Cinemas, ang “Rooftop”.
“Ako yung youngest sa grupo namin nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo and Andrew Muhlach. Ang challenge is first time ko sila lahat nakatrabaho, so I was thinking of our group chemistry. Magje-jell ba kami and how we will react to each other sa ganitong film na lahat kami, mga bida. Buti na lang, we all got along fine easily kaya naging madali ang shoot.
“Pero mahihirap ang mga eksena ng katatakutan ha. Si Kuya Epy Quizon kasi, minumulto niya kaming lahat, isa-isa, to get even with us kasi lahat kami involved sa nangyaring krimen that we tried to cover up,” dagdag na say ni Ella.