Advertisers

Advertisers

Ruru excited na sa pagpapalabas ng ‘Lolong’ matapos ang 3 taon

0 394

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PAGKATAPOS halos ng 3 taon na paghahanda at pagpapaganda ay finally maipalalabas na rin sa wakas, simula Hulyo 4,  ang isa sa masasabing pinakamagastos na teleserye ngayong taon ng GMA7, ang “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, kasama rin sina Jean Garcia, Christopher de Leon, Arra San Agustin, Shaira Diaz, Thea Tolentino, Paul Salas, Vin Abrenica, Maui Taylor, Marco Alcaraz, Ian de Leon, Malou de Guzman, Bembol Roco, Mikoy Morales, DJ Durano, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, and Ice Arago.
“Finally makikita niyo na po kung ano ‘yung pinaghirapan namin. Ginawa namin ito para mas pagandahin ang programa na maihahandog namin sa mga manonood.
Grabe ang bilis ng panahon. Kailan lang pino-promote ko ‘yung “Lolong” way back 2019. Kailan lang hinintay namin kung kailan ba magshu-shoot. Kailan lang shinu-shoot namin ito. And then ngayon ipalalabas na siya,” say ni Ruru.
Ang naturang serye rin ang naging daan para alamin at makita ni Ruru ang tunay na laki ng dambuhalang buwayang si ‘Lolong’ na hinalaw ang karakter ng buwayang si Dakila sa fantaserye.
“Nakita ko na po ‘yung katawan ni Lolong, ‘yung buto niya na nandu’n. Kumbaga somehow nakakakilabot eh. Kasi siyempre ito ‘yung rason kung bakit kami may programa na ganito. Ito ‘yung naging basehan namin para sa hitsura ni Dakila,” say pa ni Ruru.
***
HAPPY si Ayanna Misola kahit pa sabihin todong dusa ang kanyang naramdaman sa paggawa ng remake ng movie na “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili” na unang pinagbidahan ni Ms Dina Bonnevie, and streaming na in all Vivamax Apps starting July 15.



Sa naturang movie, 3 ang karakter na gagawin ni Ayanna at sa unang karakter palang na ‘sumapi’ sa katauhan ni Ayanna sa pelikula ay tuluyang ‘nawala’ ito sa sarili.
“First shooting day namin, habang kaeksena ko si Ava Mendez, na siyang nagpo-possess sa akin, I had an anxiety attack. Medyo heavy ang scene, kailangan kong mag-act na nahihirapan akong huminga, and while we’re doing it, unti-unti, biglang namamanhid ang buong katawan ko. 
“But I tried na ituloy ko lang ang acting, hanggang hindi ko na kinaya, napaiyak na lang ako kasi sobrang heavy ng eksena. Nag-melt down ako,”  say ni Ayanna.


Napuna naman ng direktor nilang si Direk Roman Perez Jr, ang pamumutla ni Ayanna na tila totoong ‘nasapian’.
“Natakot ako. Akala ko, sinasapian na talaga si Ayanna kasi namumutla siya, hindi makapagsalita, and when her blood pressure was checked, sobrang taas.


We’re shooting the movie in a very old house, baka may spirit na pumapasok talaga kay Alyanna. Buti na lang she was revived. Nagpahinga muna kami, for two hours. Pinatulog muna namin si Ayanna to calm her down,” say naman ni direk Roman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">