Advertisers

Advertisers

Paulo tinawag na sinungaling si Janine

0 315

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO
SUMAILALIM sa lie detector challenge ang rumored sweethearts na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez para sa promotion ng kanilang pelikulang “Ngayon Kaya” ng T-Rex Entertainment.
Sa challenge, kailangang sagutin nila ang mga ibabatong tanong as truthfully as possible, otherwise ang magsisinungaling ay makukuryente.
Once na makuryente, ang nag-lie will take a shot.
Ilang beses na nakuryente si Janine nang sabihin niyang mas magaling lumandi sa kanya si Paulo at never niyang sinabi sa aktor ang anumang rumors na narinig nito ukol sa huli.
Nakuryente rin siya nang sabihin niyang sumagi sa kanyang isipan na magkaroon ng relasyon kay Paulo.
Umamin din siyang may tsansang maging sila ng “Ngayon Kaya” co-star lalo pa’t pareho silang single.
Umalma naman si Janine dahil parang may magmamanipula sa lie detector machine lalo pa’t aware siyang nagsasabi naman siya ng totoo.
Base sa resulta ng lie detector machine, pabirong tinawag naman ni Paulo na sinungaling si Janine.
“I’m tired of all these lies,” ani Paulo.
 “Sana nagsinungaling na lang ako, di pa ako napahiya,” sey naman ni Janine.
Nagpaliwanag din ang aktres na kapag may ginagawang pelikula, normal lang sa mga artista na gawin ang lahat para mailabas ang emosyong hinihingi ng kanilang karakter.
“Siyempre, diba, when doing a film, gagamitin mo din naman talaga iyon whoever you’re with and what’s in front of you,” paliwanag ni Janine.
 “Spoken like a true professional. A professional liar,” pabirong giit ni Paulo.
Marami namang faney ang kinilig sa kanilang kulitan.
Sina Janine at Paulo ay mapapanood sa romantic drama na “Ngayon Kaya” na palabas na sa Hunyo 22 na ginagampanan nila ang roles nina AM at Harold bilang magkaibigang pilit tinuktuklas kung sila ba ay nakatadhana sa isa’t isa.
 Kung kinilig ang Paunine fans sa kanilang seryeng “Marry Me, Marry You”, siguradong dobleng kasiyahan ang hatid ng obrang ito ni Prime Cruz.