Advertisers
Nakaungos sa tie break points si Jayson Jacobo Tiburcio ng Pilipinas para magkampeon sa Holiday Rapid I June 2022 edition chess championship na ginanap sa Peace Centre sa Singapore Martes, Hunyo 21, 2022.
Nakisama si Tiburcio sa first-second places sa kababayang si Fide Master David Elorta matapos kapwa makalikom ng tig 6.5 points sa 20 minutes time control event na inorganisa ni International Organizer/ International Arbiter Ignatius Leong. Dahil sa highest tiebreak points ay nakamit ni Tiburcio ang korona habang nagkasya si Elorta sa second.
Ang iba pang nakapasok sa top top 10 ay sina Anthony Chow ng Malaysia (3rd), Fang Tianyang ng China (4th), Vedant Nayudu ng India (5th), Sim En Rui Audelle ng Singapore (6th), Chang Cheng Hwee ng Singapore (7th), Karthikeyan Abhinav ng United States (8th), Lim Fang Yhi ng Malaysia (9th), at Arena Fide Master Goswami Dhruv ng Singapore (10th). (Alberto Dacallos Jr.)