Advertisers

Advertisers

PBAPC PRESIDENTIAL GAWAD AWARD KAY AERIAL VOYAGER MENESES

0 317

Advertisers

GINAWARAN ng prestihiyosong Presidential Award ang isa sa 25 greatest player sa kasaysayan ng basketball sa bansa at siya ring panauhing pandangal sa ginanap na 2022 PBA Press Corps Annual Awards kamakalawa sa Novotel Manila Araneta City.

Ang re-elected na ama ng Bulakan, Bulacan na si Mayor Vergel Meneses ay malugod na tinanggap ang naturang parangal at ikinagalak ang muling makasalamuha ang kanyang ka-pamilya sa PBA na tiyempo pa mula sa kanyang fresh mandate bilang alkalde ng first class municipality para sa kanyang ikalawang torneo.

Ang naturang gawad ay parangal sa kanya ng samahan ng mga mamamahayag na kumokober ng PBA beat at mas naging makahulugan ito kay Meneses bilang ika-25 anibersaryo ng kanyang pagiging Most Valuable Player sa Philippine Basketball Association.



Ang 6’2” na si Meneses ay produkto ng Jose Rizal University. Naging three time champion sa liga, dalawa dito ay napanalunan niya noong 1995 na kanyang MVP season habang naglalaro sa RFM Franchise.

Naging 3-time Best Player of the Conference awardee, 2-time Mythical First team member,4-time All-Star MVP, 2-time slam dunk champion at naging Most Improved Player noong 1993.



Ang no. 1 overall pick noong 1992 draft, binansagang Aerial Voyager na napiling isa sa PBA’s 25 Greatest Players in 2008 noong silver anniversary ng PBA.

Nakapaglaro si Meneses sa Presto, Sta. Lucia, Swift, Pop Cola, Barangay Ginebra, Fed Ex, Barako Bull at Talk n Text sa kanyang 14-year pro career.



Maraming beses na naging national team player bago siya naging coach ng kanyang alma mater JRU nang halos isang dekada.

Pinarangalan din ng PBA ang mga top performers ng Season 46 tampok sina Chot Reyes bilang Coach of the Year, Alfrancis Chua-PBA Executive of the Year, players Arwind Santos bilang Defensive Player of the Year, June Mar Fajardo (Bogs Adornardo Comeback Player of the Year), Allein Maliksi (Mr. Quality Minutes) at Mikey Williams (Scoring Champion).

Sa kanyang acceptance speech, sinariwa ni Meneses ang makulay niyang buhay sa baketball at pinasalamatan niya ang buong kapamilya sa PBA at PBAPC pati na ang kanyang inspirasyong constituents sa Bulakan, Bulacan.

‘Salamat PBAfamily sa inyong pagkilala at sa aking kababayan asahan niyong ako’y maglilingkod ng tapat at may takot sa Diyos’,pahayag ni Meneses.

Sine Williams, Jamie Malonzo, Santi Santillan, Calvin Oftama at Joshua Muanzon ang binubuo ang All-rookie team habang ginawaran ng Order of Merit sina William Robert Bolick, Ian Sangalang at Matthew Wright.

“Sa kanyang acceptance speech, nagpugay si Meneses sa kanyang ka-pamilya sa PBA, datingg teammates, coaches, kay Commesec Willie Marciel, si PBA Governors at sa media. Kanyang binigyang kahalagahan ng magandang buhay dulot ng paglalaro ng basketball mula amateur, professional at national team. (Danny Simon)