Advertisers

Advertisers

Bong Go sa solo parents, seniors: ‘Di ko kayo pababayaan

0 300

Advertisers

Muling nagsagawa ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ng relief efforts sa mas maraming solo parents at senior citizens sa Davao City bilang bahagi ng pangako ng senador na susuportahan ang mga ito sa harap ng pandemya.

Namahagi ang pangkat ng senador ng mga grocery packs, pagkain, bitamina, kamiseta, at meryenda sa 1,000 mahihirap sa gymnasium ng Barangay Tapak at Colosas. Namigay din sila ng mga relo, bisikleta, sapatos, at bola para sa volleyball at basketball.

“Asahan niyo po na hindi po kayo pababayaan ng gobyerno. Ipaglalaban ko po palagi ang inyong kapakanan lalo na ang ating mga senior citizens at solo parents. Basta po patuloy lang din po tayong magbayanihan at magtulungan dahil nais po namin siguraduhin na walang maiiwang Filipino sa ating pagbangon,” ayon kay Go.



Ang Department of Social Welfare and Development naman ay nagbigay ng tulong pinansyal upang higit na matulungan ang mga benepisyaryo na mapanatili ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan hanggang sa makabangon mula sa mga hamon na dulot ng pandemya.

Bilang bahagi ng kanyang pangako na tiyakin na ang mga matatanda at solong magulang ay suportado kahit sa panahon ng krisis, patuloy na isinusulong ni Go ang pagsasabatas ng Senate Bills No. 2506 at 1411 na parehong naglalayong magbigay ng mga benepisyo at allowance sa mga senior citizens at solo parents ng bansa.



Si Go, na nagsisilbing pinuno ng Senate committee on health and demography, ay nag-alok din ng tulong sa mga Davaoeño na nangangailangan ng pangangalagang medikal.

Hinimok niya ang mga ito na bisitahin ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) at humingi ng serbisyo sa Malasakit Center nito.



Unang itinatag noong 2018, ang Malasakit Centers ay idinisenyo upang maging one-stop shop para sa lahat ng mga programang tulong medikal na inaalok ng gobyerno, kabilang ang DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang tulong ay sumasaklaw sa mga laboratoryo, gamot, operasyon at iba pang serbisyo at gastos ng pasyente.

Noong nakaraang araw, ang grupo ni Go ay nagsagawa rin ng katulad na aktibidad sa 1,500 Davaoeño na naninirahan mula sa Fatima, Sumimao, at Malabog sa Davao City.