Advertisers

Advertisers

Sen. Sotto planong buhayin ang citizens drug watch

0 301

Advertisers

PLANO ni outgoing Senate President Tito Sotto na muling buhayin ang isang non-govermental organization na nakatutok sa pagsawata ng iligal na droga sa buwan ng Agosto o Setyembre.

Ayon kay Sotto, balak nilang i-revive ang Citizen’s Drug Watch Group – grupo na binuo noon ni dating senador Ernesto Herrera kung saan ay vice chairman si Sotto.

Ani Sotto, malaki ang maitutulong ng grupong ito hindi lamang sa pagbabantay sa kalakaran ng iligal na droga – kundi pa rin sa rehabilitation ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot at biktima ng lipunan dahil sa mga nagtutulak ng droga.



Bukod dito, inihayag din ni Sotto na iimbitahan din niya si outgoing Pangulong Rodrigo Duterte lalo na’t pareho na silang mga ‘private citizens’.

Sinabi rin ni Sotto na plano niyang ialok kay Duterte ang chairmanship ng CDW.



“I plan to see him when we are plain, ordinary citizens,” saad ni Sotto.

Matatandaang tinanggihan ng Chief Executive ang alok ng susunod na administrasyon na maging drug czar nito. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">