Advertisers

Advertisers

Higit 5 trucks ng basura, nahakot sa Rizal Memorial Stadium

0 335

Advertisers

NAGSAGAWA ng paglilinis Martes ng umaga ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Public Services (DPS) sa gabundok na basurang iniwan ng mga locally stranded iIndividuals (LSIs) na pansamantalang tumuloy sa Rizal Football Stadium ng Rizal Memorial Sports Cpmplex sa Vito Cruz, Manila.

Ayon kay DPS Director Kenneth Amurao, mahigit 5 trucks ng basura ang kanilang nahakot simula 8:00 hanggang 10:00 ng umaga matapos ang paglilinis sa stadium.

Nakiusap naman si Manila Mayor Isko Moreno sa mga LSI na maging responsable sa tamang pagtatapon ng kani-kanilang mga basura.
Matatandaan na nitong mga nakaraang araw, ikinagulat ng Department of Health (DOH) maging ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang biglaang pagdagsa ng LSIs sa nasabing stadium dahil sa pagbabakasakali na makapagpa-test at makauwi na sa kani-kanilang mga probinsya.



Kahapon ng umaga ay isinakay ng barko ng Philippine Coast Guard ang mga LSI papuntang Visayas at Mindanao. (Jocelyn Domenden)