Advertisers

Advertisers

Bea mas type makatrabaho ulit ang ex-syotang si Zanjoe kaysa Gerald

0 239

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ni Barbie Forteza ay ibinahagi nito sa kanyang socmed ang pakikipanayam sa actress na si Bea Alonzo.
Bumanat agad ang gf ni Jak Roberto ng tanong sa Kapuso actress na si Bea.
Ang tanong nito kung may gusto nga raw si Bea na maka-work sa kanyang mga ex, sino ito?
Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Bea at agad na sinagot kung sinong ex ang gusto nitong makatrabaho.
Si Zanjo Marudo raw ang gusto nitong makatrabaho muli sa isang project.
Paglilinaw ni Bea na still okey naman daw sila ni Zanjoe at maayos ang kanilang paghihiwalay.
Pagpapatunay pa ng actress na till now ay magkaibigan pa rin sila ni Zanjoe kaya gusto nitong maka-work.
Nahalata naman ng netizens sa salita ni Bea na depende raw sa ex.
Meaning may ex itong ayaw makatrabaho at obvious naman sa netizens na si Gerald Anderson ito.
Till now kasi ay bangungot pa rin kay Bea ang pag-ghost sa kanya ni Gerald.
Dagdag pa ang pagka-link ni Gerald kay Julia Barretto na nung una ay idenenay pa hanggang sa umamin din.
Sa ngayon ay happy si Bea sa kanyang lovelife sa katauhan ni Dominic Roque at pati na rin career ay bumobongga.
***
Dennis labis na nasaktan, mas binati pa ni Julia si Gerald ng Father’s day
SA kabila na sumagot na si Dennis Padilla sa open letter ni Leon Barretto, ang bunso nitong anak na nami- miss lang daw nito ang mga anak.
Kinastigo naman ng netizens si Julia Barretto, panganay ni Dennis kay Marjorie Barretto.
May post naman ito na mas binati pa nito ng Happy Father’s day ang bf na si Gerald Anderson kaysa ama na si Dennis.
Binati ni Julia ang bf na si Gerald dahil sa anak-anakan nitong aso.
Kaya may mga pudrakels na nakaka relate kay Dennis sa pagbalewala sa kanya ng mga anak.
Maikling bati nga lang daw ay ipinagdamot pa ng tatlong anak kaya labis na nasaktan si Dennis.
Lalo pa’t mas binati pa ng Happy Father’s day ni Julia ang bf na si Gerald na ang anak-anakan ay mga aso.
Sa panig naman ni Marjorie na sana nga raw ay maproteksyonan ni Dennis ang kanyang mga anak.
Kaysa nga naman gumamit ito ng social media at doon ibinulalas ang tampururot sa mga anak.
Dahilan daw nun para raw ma-bash ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.
Sana magaya rin si Dennis sa mga anak ni Cesar Montano na naka-bonding nito nung Father’s day.
Well, well, well…’Yun na!