Advertisers

Advertisers

‘Pumatay’ sa dalagang engineer sa Bulacan timbog

0 480

Advertisers

GUIGUINTO, Bulacan — Arestado ng pulisya nitong Huwebes ang suspek sa malagim na pagpatay sa isang 24-anyos na babae na unang naiulat na nawawala.

Ayon kay Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director, iniimbestigahan na nila ang suspek na kinilalang si Darwin de Jesus, na kilala rin bilang “Darwin Hernandez,” na residente ng Barangay Tabang.

Inaresto ng Guiguinto police ang suspek sa loob ng bahay ng kanyang ina sa Tabang dakong 3:45 ng hapon.



Sinabi ni Barangay Chairman Darsee Alvarez ng Ilang-ilang na nakatanggap siya ng impormasyon na nagtatago si De Jesus sa bahay na iyon. Si De Jesus ay tinaguriang pangunahing suspek sa pagpatay kay Prinsesa Dianne Dayor, residente rin ng Tabang, batay sa salaysay ng mga saksi.

Ang bangkay ni Dayor, na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng sapatos sa bayan ng Pulilan, ay natagpuan ng mga opisyal ng barangay at mga residente malapit sa isang sapa sa boundary ng Barangay Tikay at Tabang sa Guiguinto.



Papunta na sana si Dayor sa trabaho dakong alas-5:30 ng umaga noong Hulyo 2 nang pagnakawan siya ng suspek at sakalin hanggang mamatay.

Una nang nag-alok ng kabuuang kalahating milyong pisong pabuya ang mga opisyal sa Bulacan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kaugnay ng karumal-dumal na pagpaslang sa isang dalagang engineer sa Malolos City.