Advertisers

Advertisers

Duterte: 1-meter distancing sa PUVs mananatili

0 262

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagpapanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 1 meter physical distancing ng mga pasahero sa loob ng pampublikong sasakyan.
Taliwas ito sa naunang ipinalabas na direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan at gawing 0.75 meters ang physical distancing sa mga public transportation.
“Mananatili ang 1 meter distancing sa pampublikong sasakyan,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon pa kay Roque, ginawa ng Pangulo ang desisyon Biyernes ng gabi matapos nitong timbangin ang iba’t-ibang opinyon ng mga eksperto ukol sa naturang usapin.
Bukod rito, sinabi ni Roque na mandatory na rin ang pagsusuot ng fa.ce mask, face shield at bawal ang pagsasalita o paggamit ng cellphone ng mga pasahero sa loob ng public transportation.
Suportado naman ng Department of Health ang naturang desisyon ng Pangulong Duterte. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio/Andi Garcia)