Advertisers
KINALSUHAN ng Adalem Construction-St Claire ang Apex Fuel-San Sebastian’s winning streak sa pamamagitan ng impresibong 80-66 wagi para maangkin ang third seed sa nagpapatuloy na 2022 PBA D-League Aspirants Cup playoffs Martes, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Kumamada si John Rojas ng 20 points,six rebounds, at four assists upang tulungan ang St.Claire na ideklara ang twice-to-beat advantage sa itaas ng quarterfinals bracket.
Nagdagdag si NAASCO MVP Johnsherick Estrada ng 19 points-lahat sa ikalawang yugto-habang si veteran Joshua Fontanilla nag-ambag ng 14 points,four dimes, at four steals para pigilan ang San Sebastian’s five-game run.
“Simula pa lang alam ko na win or go home kami. Kung manalo kami, No. 3. Pero kung matalo, 99.9% na maa-out kami. Sabi ko lang sa mga bata, naglalaro sila nang maayos pero ‘di lang maka-finish nang maganda,” Wika ni coach Jinino Mansansala. “We know we have to go all out and this time, nakuha namin. Ngayon, maganda na napuntahan namin at twice-to-beat.”
Romel Calahati at Jessie Sumoda umiskor ng 19 at 14 points ayon sa pagkakasunod, para sa Golden Stags, na tinapos ang eliminations sa 5-2.
Ang Iskor:
Adalem-St. Clare 80 Rojas 20, Estrada 19, Fontanilla 14, Gamboa 8, Estacio 7, Sumagaysay 6, Ndong 2, Manacho 2, Lopez 2, Galang 0, Sablan 0.
APEX-San Sebastian 66 — Calahat 19, Sumoda 14, Altamirano 7, Are 6, Yambing 5, Shanoda 4, Desoyo 4, Felebrico 4, Garcia 3, Escobido 0,