Advertisers

Advertisers

PSL PREXY ROCKY CHAN & CO.

0 277

Advertisers

BASKETBALL leagues come and go dito sa ‘Pinas.

May mga tumatagal for life pero meron ding isang conference lang ay tiklop agad.

Manpower,resources, dedication at determination ang susi upang ma-sustain ang liga ng sport na pinakapaboritong pastime ng mga Pinoy.



Kung sa materyales ng mga players,walang problema dahil sa dami ng talents nationwide na kailangan lang madiskubre at kung sa following ang paguusapan ay tiyak na dagsa ang crowd sa bawat malaki o maliit mang liga.

Diyan naiiba ang Pilipinas Super League o PSL. Itinatag ito nina PSL president Rocky Chan kaagapay si VP Ray Alao at ang commissioner nito ay si ex- PBA star at dating Gilas standout Mark Pingris .



Instant success ang nakaraang buwenamanong season sa Visayas/ Mindanao ng PSL kaya nasundan ito ng mapusok na VisMin at Luzon legs na PSL 21-U simultaneous na isang legit blockbuster na conference.

“ I’m overwhelmed sa turnout ng crowd sa ating liga para sa kabataan nationwide.Ang taas ng antas ng kompetisyon ng mga manlalaro ng bawat koponan na halos balanse ang lakas kaya puro magaganda ang laban.Sa Visayas at Mindanao ay talagang dikdikan ang bakbakan doon gayundin dito sa Pampanga(San Fernando City) na may dalawang koponang kalahok na nakapagbigay ng oportunidad sa mga kabataang Kapampangan na ipakita ang kanilang husay sa basketball. Kaya nga pinasasalamatan natin si Gov. Dennis Pineda sa kanyang suporta sa liga,” pahayag ni Chan na special mention si PSL top honcho Dinko Bautista,ang suporta ni Rep.Claudine Bautista,Davao Occ.Gov Claude Bautista at op kors sa corporate partner na COCOLIFE sa pamumuno ni Pres.Atty.Jose Martin Loon at SVP Joseph Ronquillo.



Personal nating nasasaksihan ang mga kaganapan sa liga at masasabi kong very propesyunal ito sa mahusay na sistema nina Rocky,Ray at Mark at ang mga mahuhusay at maaasahang staffs mula secretariat, props, promos, broadcasting, live coverages, statisticians, state of the art na pa-effect before and after the game at media partners, name it you’ll have it.

Ngayon pa lang ay ginagalamano ( sa halip na uppercut)na ng korner na ito ang liderato ng PSL…Okey ka CHAN!