Advertisers

Advertisers

Kabit ni misis, kinatay ni mister

0 355

Advertisers

ISABELA- Bumulagta ang isang lalaki nang barilin ng kapitbahay dahil sa galit nang magkaroon ng relasyon ang una at misis ng huli, nitong Linggo sa bayan ng Benito Soliven.

Kinilala ang biktima na si James Pagdilao, 39 anyos, may-asawa, magsasaka; habang ang tinutugis na salarin ay kinilalang si Alfonso Carlos Iplasido, 61, kapwa residente ng Yeban Sur, Benito Soliven.

Batay sa report ng Benito Soliven Police Station, 7:45 ng umaga naganap ang krimen sa Purok- 6 Yeban Sur.



Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagpapastol ang biktima ng kanyang alagang baka sa lugar nang barilin ni Iplasido gamit ang homemade shotgun.

Tinamaan ang biktima sa katawan, sanhi ng agaran nitong kamatayan; habang mabilis na tumakas si Iplasido.



Nabatid na nabuko ni Iplasido na may relasyon ang asawa nito at ang biktima ilang taon na ang nakalipas.

Sa pag-aakalang humilom na ang sugat ni Iplasido sa kanyang puso at nagkaayos rin sila ng biktima hanggang sa naging kampante sa isa’t isa, ngunit hindi inakala ni Pagdilao na nagtanim ng galit sa kanya si Iplasido .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">