Advertisers
INIHAYAG ng abogado na si Atty. Levi Baligod, kumakatawan sa 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines, na magsusumite sila ng panibagong affidavit sa Senate Blue Ribbon Committee na mas kumpleto at mas detalyado.
Dumalo si Baligod sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangunahan ng Cayetano bloc kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Baligod, may ilang dating miyembro ng dating sundalo na umano’y pinapirma ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga affidavit nang hindi pa niya nairerepaso.
“Gagawa kami ng individual affidavit na mas kumpleto,” ani Baligod sa media.
Samantala, nagpahayag din ng reaksyon si Sen. Imee Marcos, na nanawagan ng pag-iingat at patuloy na paglilinaw sa mga lumalabas na alegasyon.
Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin naman ni Sen. Loren Legarda ang kahalagahan na magpatuloy ng trabaho sa gitna ng umiiral na tensyon sa loob ng Senado.
Patuloy na inaasahan ang karagdagang pagsusumite ng mga dokumento at posibleng pag-amyenda sa mga naunang salaysay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cayetano at Gatchalian bloc sa flood control scandal.