Advertisers

Advertisers

1 patay, 2 sugatan sa banggaan ng multicab at SUV

0 213

Advertisers

Patay ang driver ng Multicab habang sugatan ang dalawang pasahero nito sa nangyaring head on collision sa isang SUV sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy Mercedes, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ng Pilar Police ang nasawi na si Vincent Parcon Cordero, 32 anyos; habang ang mga sugatan nakilalang sina Dick Mostrado Hisarza, 18 anyos, binata; at ang 5-anyos na babae lahat residente ng Brgy. Inang ng nasabing bayan.

Nakilala naman ang driver ng SUV na si Sherwin Garcia Baldovino, 41 anyos, may asawa at residente ng Pamplona Tres, Las Pinas City.



Sa ulat, galing ng Castilla ang multicab at papunta sanang Pilar habang ang SUV naman galing Maynila at papuntang Samar nang pagdating sa nasabing lugar, nag-overtake sa isang behikulo ang SUV hanggang mabangga ang kasalubong na multicab.

Agad rumesponde ang Castilla Health Unit Ambulance na siyang nagdala sa mga sugatan sa Cumadcad District Hospital subali’t ang driver na si Cordero hindi na nakarating ng buhay sa ospital.



Ang dalawang behikulo na nagtamo ng hindi matiyak na halaga ng pinsala at ang driver ng SUV nasa kustudiya na ngayon ng Pilar Police para sa kaukulang disposisyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">