Advertisers

Advertisers

Ex-tserman bulagta sa riding-in-tandem

0 200

Advertisers

Patay sa tama ng bala ng baril sa ulo ang isang dating barangay chairman ng Barangay Bagacay, Ibajay, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Mhelvin Cabales, sa legal na edad at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, galing sa panonood ng basketball tournament ng kanyang anak ang biktima sa katabing barangay.



Nang pauwi sina Cabales angkas ang kanyang misis at isa pang anak na lalaki, dinikitan ang mga ito ng dalawang salarin na sakay sa motorsiklo 6:48 ng gabi malapit sa sementeryo sa Barangay Poblacion, Ibajay.

Agad na tumakas ang mga salarin na sakay ng motorsiklo habang dead-on-the-spot ang biktima.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.