Advertisers
NATUPOK ang nasa 200 bahay at nasa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Barangay 636, Anonas corner Valencia streets, Sta Mesa, Maynila, Linggo ng gabi.
Ayon kay Fire C/Insp. Jude delos Reyes, ang chief of operations ng Manila fire department, umabot sa ikatlong alarma ang sunog dahil nahirapan silang apulain ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials
Sa sobrang laki ng apoy, naubusan pa ang mga bumbero ng tubig, kung kaya’t nagkanya-kanyang igib ng tubig ang mga residente para tumulong maapula ang apoy.
Pansamantalang inilikas ang mga nasunugan sa mga kalapit na covered court, kapilya, barangay multi purpose hall at paaralan.
Walang napaulat na may nasaktan o nasawi sa sunog.