Advertisers

Advertisers

7 online scammers tiklo sa Pasay

0 464

Advertisers

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Crime Group (PNP-ACG) ang pitong miyembro ng grupo ng scammers na nanloloko ng mga naghahanap ng trabaho sa online sa entrapment operation sa Pasay City, nitong Agosto 23.

Kinilala ni ACG chief Brig. General Joel Doria ang mga naaresto na sina Kimberly Santillan, 43; Rosalie Verceles, 53; Lailani Bregoli, 25; Mary Jane Cuevas, 24; Zenaida Navarro, 47; Mary Jane Reyes, 46; at Simone Louise Austria, 21.

Ayon kay BGen Joel Doria, Dir. PNP ACG, isinagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng Southern District Anti-Cybercrime Team (SDACT) sa isang building sa EDSA corner Taft Avenue, Barangay 146, Pasay City.



Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng ilang biktima matapos na mabigong ang mga suspek na maipasok sa trabaho.

Sa imbestigasyon gumawa ang mga suspek ng pekeng Facebook page upang makapaghikayat ng mga mabibiktima na naghahanap trabaho.



Ang modus ng mga suspek , ituturo ang mga aplikante na mag-report sa kanilang tanggapang sa Taft Avenue para sa interview kungsaan pinagbabawalan na makipag-usap ang mga aplikante at gumamit ng kanilang cellphone.

Bibigyan ang mga aplikante ng application form at sisingilin ng P300 para sa pagproseso ng papeles at P1,500 para sa medical fee.



Nasa kustodiya na ng tanggapang ng SDACT ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon. Inihahanda na rin ang kasong Identity Theft, swindling/Estafa at paglabag sa Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act. (Mark Obleada)