Advertisers
Advertisers
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
FIRST time para kay Yasmien Kurdi na makasama sa isang teleserye ang Asia’s Multimedia actor na si Alden Richards, sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “Start Up” na kasama rin sina Bea Alonzo at Jeric Gonzales.
Hindi na rin naman bago para kay Yasmien na makasama si Alden since pareho silang Kapuso talent kaya hindi masyado nakilala ni Yasmien ang tunay na pagkatao ni Alden. Sa buong akala ni Yasmien ay isang seryosong tao si Alden kaya seryoso ring humarap ang aktres kay Alden nang first time kunan ang kanilang eksena sa “Start Up Ph’.
“Yung impression ko sa kanya before parang masyado siyang serious sa mga interviews. Pero actually kapag naka-work mo siya sobrang kuwela pala niyang tao. Siya yung nagpapa-lighten up nung set, siya yung magalaw sa set. So hindi ko ini-expect kay Alden na ganun siya ka-bubbly,” say ni Yasmien.
Bukod sa excited si Yasmien na first time makatrabaho sina Bea, Alden at Jeric, happy rin si Yasmien na sa kanya ini-offer ang role niya sa naturang serye. Inamin ni Yasmien na isa siyang K-pop adik at napanood niya ng buong-buo ang Korean version ng ‘Start Up”.
“Before pa talaga ako mahilig manood ng K-drama. Actually K-drama addict talaga ako. Pre-pandemic pa ginagawa ko na ‘yan. Kaya nung inoffer yung show alam ko yung character ko, talagang kinuha ko siya,” dagdag na say pa ni Yasmien.
***
SUNUD-sunod ang ginawang movie dati ng isa sa sex nymphet ng Vivamax na si Rhen Escano. Isa si Rhen sa mga naunang batch ng sexy stars ng Vivamax. At ang lahat ng sexy movie na nagawa ni Rhen ay tumatabo sa takilya.
Sa huling movie na ginawa niya ang “Rooftop” ay hindi na naghubad si Rhen bagkus ay ‘nanakot” na siya since ang movie ay may temang horror.
Tsikang ginawang stepping stone ni Rhen ang “Rooftop” para hindi siya ma-typecast bilang isang sexy star. Tila naging mali ang career move ni Rhen dahil sa ang mga sumunod na pelikulang alok sa kanya after “Rooftop” ay pawang sexy movies at hindi niya tinanggap ang offer.
Nag-iinarte na nga ba si Rhen kaya maraming pelikula siyang pinalagpas?
“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko ng umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi yung parang nakakahon lang ako,” say ni Rhen.
Kaya nang i-alok sa kanya ang isang Vivamax sexy original 8-episode series, ang
“Secrets of a Nympho” ay agad niya itong tinanggap dahil isang malaking challenge sa kanya ang role sa naturang serye.
Role ng isang suspek sa heinous crime na naganap sa isang tinitingalang campus ang ginampanan ni Rhen. At kinakailangan gawin lahat para malinis ang kanyang pangalan.
“Feel ko gawin yung ganung material, kaya tinanggap ko itong series na ito, ‘Secrets of a Nympho’, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” say ni Rhen.
Sa direksyon nina Shugo Praico at Philip King, tampok din sina Arron Villaflor, Ayanna Misola, Josef Elizalde, Gold Aceron, Jeric Raval,Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany at Sheree.