Advertisers
NASILO ng San Sebastian ang kanilang buwemanong tagumpay sa NCAA Season 98, matapos gulpihin ang Arellano, 60-51, Martes sa Filoil Ecco Centre sa San Juan.
Tinarak ni Tristan Felebrico ang pamatay na three-point play sa 1;41 segundong nalalabi upng maging nine-point edge para sa Golden Stags.
Pinamunuan ni Ichie Altamirano ang opensa ng San Sebastian sa iniskor na 10 points,four rebounds,four assists at two steals sa season opening win.
Ken Villapando nagdagdag ng nine points,four boards,two dimes at two steals, habang si Rhinwil Yambing may nine points at four rebounds.
Natabunan ang kinamadang 15 point ni Axel Doromal para sa Arellano.
Cade Flores bumakas ng 12 points at nine rebounds.