Advertisers
INANUNSYO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibababa na ang pamamahagi ng educatio-nal assistance sa district level.
Nabatid na may dalawa pang natitirang payout kung saan nakatakda ito sa September 17 at September 24.
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, magbibigay-daan sa mga kulang sa gadyet o hindi makapagparehistro online na magkaroon ng access sa ipinamimigay na cash aid.
Ayon pa sa kalihim, may natitira pang 500 million pesos mula sa 1.5 billion pesos na pondo para sa naturang programa.
Samantala, nilinaw naman ni Tulfo na hindi lahat ng mga estudyante na nag-aaral sa pampublikong paaralan ay makatatanggap ng nasabing ayuda.