Advertisers

Advertisers

3 Sundalo bulagta sa bakbakan sa Basilan

0 289

Advertisers

Tatlong sundalo ang namatay sa pang-atake ng mga armado sa isang Army detachment sa Al-Barka, Basilan.

Ayon sa ulat, pinaputukan nitong Huwebes ng hapon, September 15, ng mga armadong kalalakihan ang detachment ng 18th Infantry Battalion sa Barangay Magcawa sa bayan ng Al-Barka sa Basilan at ito ang naging sanhi ng palitan ng mga putok ng dalawang panig.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa ‘di kalayuan sa municipal hall ng Al-Barka.



Umatras din agad ang mga armado at sa kasalukuyang tinutugis na ng mga tropa ng 18th Infantry Battalion.

Inaalam na rin ang pagkakilanlan ng mga nasawing sundalo.