Advertisers

Advertisers

3 todas sa salpukan ng sasakyan

0 253

Advertisers

PAMPANGA- Patay ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng sasakyan sa magkahiwalay na insidente Miyerkules sa parte ng Northern, Central Luzon.

Sa bayan ng Angeles City Pampanga, nasawi si Aiko Suarez Torres, 31, nang mabangga ang sinasakyan nitong tricycle sa kasalubong na pick-up truck.

Batay sa report ng Angeles City Police Station, minamaneho ni Ricardo Torres, 66, ang tricycle sakay si Aiko papuntang Klaro ng bigla na lamang silang salpukin ng rumaragasang pick-up.



Sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Aiko na naging sanhi ng agaran itong kamatayan.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang driver ng pick-up sa hindi malamang direksyon.

Ayon kay Police Colonel Diosdado Fabian, Angeles City Police Office director, iniimbestigahan na nila ang pangyayari at bubusisiin na rin nila ang iba pang CCTV footage sa nadaanan ng suspek para sa agaran pagkakadakip nito.

Samantala, dalawa rin ang patay sa bayan ng Villasis, Pangasinan matapos araruhin ng isang pick-up ang motorsiklo at tricycle hanggang sa mabangga ito ng dump truck.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Cabanglan, 39 anyos, may asawa at residente ng Narvacan Ilocos Sur; at Ronald Vigilia, 28 anyos, development officer at residente ng Moncada, Tarlac.



Habang ginagamot naman sa ospital ang driver ng pick-up na kinilalang si ni Caesar Kyzer Dela Rosa, 35 anyos, binata, sales assistant at residente ng Brgy Poblacion Manaoag, Pangasinan.

Ayon kay police major Glenn Dulay, hepe ng Villasis Police station, naganap ang insidente sa kahabaan ng Villasis-Malasiqui National Road sa Brgy. Barraca, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni dela Rosa ang pick-up sakay si Cabanglan, ng bigla na lamang nitong inararo ang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng kalsada na minamaneho ni Vigilia at sunod na binangga ang nakaparadang tricycle na pag aari ni Ramil Macayan, Brgy .Kagawad at residente ng Brgy. Barraca, Villasis.

Dahil mabilis ang patakbo ni dela Rosa, lumabas pa ito ng linya ng kalsada at sinalubong ang dump truck na minamaneho naman ni Jay Sorio, 34 anyos,residente ng Brgy Barangobong Tayug, Pangasinan.

Sa bilis ng pangyayari, sumalpok ang pick-up sa dump truck at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Cabanglan at Vigilia na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nagtamo naman ng sugat si dela Rosa at dinala ito sa ospital para lapatan ng lunas.

Aminado naman si dela Rosa na nakaidlip siya kaya nangyari ang insidente.
Samantala, dalawang van naman ang nagsalpukan sa kahabaan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur na ikinasugat ng isang driver.

Sa kuha ng CCTV footage, 12:55 ng madaling araw ng magbanggaan ang Isuzu D-Max na van at Mitsubishi van.

Ayon kay Police Lieutenant Rode Marzan, officer in charge ng Sto. Domingo Police Station, nagkaroon ng pag-uusap ang dalawang sangkot na sasakyan sa nabanggit na insidente.