Advertisers
GINAMIT ni Manila Mayor Isko Moreno ang halos P9 million na kanyang talent fee sa pagmomodelo upang ipambili ng tablets na para ibigay sa mga mahihirap na estudyante ng Universidad de Manila (UDM) na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Moreno na siya at si Vice Mayor Honey Lacuna na ibinigay nila bilang donasyon ang mga biniling tablets kay Malou Tiquia, president ng UDM, na may panawagan sa mga mag-aaral na gamitin ito ng husto at tama.
Ayon sa alkalde na produkto rin ng kahirapan at public school, ay batid niya ang hirap ng isang mahirap na estydyante na hindi alam kung makakakain siya ng tatlong beses isang araw.
Sa pamamagitan ng tablet na isang requirement sa blended, online learning na dala ng pandemya, ay inaasahan niya at ni Lacuna na magagamit ng mga mahihirap na estudyante ang tablet upang makapag-aral ng husto. (Andi Garcia)