Advertisers

Advertisers

Weekday sale sa mga shopping mall ipagbabawal ng MMDA

0 172

Advertisers

IPAGBABAWAL na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang weekday sale sa mga shopping mall sa Metro Manila.

Kaugnay nito, kakausapin ng ahensiya ang mga mall operators hinggil sa operating hours at ang pagbabawal sa mga sale kapag weekdays.

Layon nito na hindi magdulot ng lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.



Ayon pa sa MMDA, 10 hanggang 15 porsiyento ang madadagdag sa volume ng mga sasakyan ngayong papalapit ang Pasko at kasabay ng pagluluwag ng protocols

Sa ngayon, halos kalahating milyon ang mga sasakyan na bumabaybay sa mga lansangan sa Metro Manila. (J. Patricio)