Advertisers

Advertisers

FERDINAND MARCOS (Ikaapat na bahagi)

0 319

Advertisers

KARUGTONG ito ng aming sanaysay tungkol sa huling araw ng mga Marcos sa Malacanang. Ito ang araw na pinatalsik sila ng taong-bayan sa Malacanang. Pebrero 25, 1986 – ito ang araw na mistulang hari si Ferdinand Marcos na walang kaharian. Aking salaysay:

GANAP na ikalima ng umaga (Philippine time) ng bumalik si U.S. Sen. Laxalt sa telepono upang kausapin si diktador Ferdinand Marcos na kara-karakang nagtanong kung nagbago ng isip ang itinuturing niyang kaibigan na si U.S. President Ronald Reagan hinggil sa pagtrato sa kanyang pamahalaan. Kinalap ng mga iskolar ang maikli ngunit marubdob nA palitan ng pangungusap na nagpapakita ang nakakaawang kalagayan ng pabagsak na diktador.

“Hinihingi na ba ni Pangulong Reagan na ako’y bumaba na sa poder? (Is President Reagan asking me to step down?)” ang tanong ni Marcos kay Laxalt.



“Wala sa ganiyang posisyon si Pangulong Reagan upang humingi ng ganyang kahilingan (President Reagan is not in a position to make that kind of demand),” ang sagot ni Laxalt.

“Senador, anong tingin mo? Dapat na ba akong bumaba? (Senator, what do you think? Should I step down?)”



“Ginoong Pangulo, hindi ako natatali sa mga diplomatikong pagbabawal. Ako’y nagsasalita para sa ganang akin lamang. Sa tingin ko dapat ka ng umalis. At umalis ka ng mahinahon. Dumating na ang oras, (Mr. President, I’m not bound by diplomatic restraint. I am only talking for myself. I think you should cut. And cut cleanly. The time has come.)” ani Laxalt na nagsalita ng may kahalong tono ng kapangyarihan at pagkaawa.

Hindi nagsalita si Marcos ng halos dalawang minuto na ikinabahala ni Laxalt.



“Ginoong Pangulo nandiyan ka pa ba? (Mr. President, are you still there?)”

“Ako’y bigong-bigo (I am very, very disappointed),” ani Marcos.

Sa mga oras na iyon, ang pakiramdam ng napipintong pagkatalo ang nagbigay kaalaman sa kanya na kinakailangan niyang umalis ng Malacañang sa isang hindi maayos na paglisan.

Hinarap ni Marcos ang mga natitirang oras sa Palasyo na kalakip ang hatol sa naghihingalong palad. Ito ay katotohanan at hindi binabaliktad na pagkatalo, bagaman gumawa ng ilang hakbang si Marcos para makakuha ng pampalubag-loob. Ngunit tapos na ang lahat. Kahit ano pa ang gawin upang magkaroon ng ilang pampalubag-loob ay nagpapabagal lang sa kanyang paghihirap. Nawalan ng pag-asa ang lumuluhang si Imelda.

Sa huling tangka na maisalba ang sitwasyon, personal na tinawagan si U.S. First Lady Nancy Reagan upang itanong ang intensyon ng Estados Unidos sa Filipinas. Hindi nakapagbigay ang huli ng anumang malinaw na komitment at nagsabi pang kakausapin ang asawa.

Tinawagan ni Marcos si Labor Minister Blas Ople na nandoon sa Washington sa isang misyong diplomatiko na kumbinsihin ang mga opisyales ng Estados Unidos sa “tagumpay” ng nakalipas ng halalang pampanguluhan. Ngunit nagbigay ang huli ng isang hindi magandang ulat. Sa oras na iyon, nagsimulang mag-impake ang mga Marcos ng dapat dalhin sa paglisan sa Malacañang.

Sa mga oras na iyon, nagising si Chief Justice Ramon Aquino at asawa, Carolina Griño Aquino, upang maghanda sa panunumpa ni Marcos sa Malacañang, kung saan doon sila natulog. Dahil sa nakababahalang sitwasyon, hiningi ni Marcos sa kanyang mga tauhan sa hapon ng Pebrero 24 na sunduin si CJ Aquino at asawa mula sa kanilang tirahan sa Maynila.

Sapagkat kostumbre sa mga nakaraang inagurasyon ng mga nahalal na pangulo, ang Punong Hukom ng Korte Suprema ang nakatakdang panunumpa sa bago o muling nahalal na pangulo. Tanging si Marcos ang muling nahalal na pangulo sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935.

Kinumbinsi ni Marcos si Aquino na magbigay ng panunumpa sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973. Dahil sa magulong sitwasyon, kinakailangang matulog ni Aquino at asawa sa Palasyo upang makasiguro na nandoon sila sa araw ng panunumpa.

Maliban sa Unyon Sobyet na sa dakong huli ay naguho sa mahigit na isang dosenang hiwa-hiwalay ng republika, nagpahayag ang karamihan sa mga bansang pinamumunuan ng Pransiya at mahigit isang dosenang bansa sa Europa na hindi sila magpapadala ng sugo o kinatawan sa panunumpa ni Marcos sa Malacañang.

Sinabi nila na nabahiran ng pandaraya ang pagwawagi ni Marcos sa nakaraang halalan at inaming hindi nila dinaluhan ang nakatakdang panunumpa ni Marcos. Nauna ng isang hakbang ang Pransiya nang ipahayag ng gobyerno nito ilang minuto matapos makapanumpa si Cory Aquino sa naturang araw rin na napagpasyahan na kilalanin ang pagiging lehitimo ng pamahalaan ni Cory Aquino.

Gayunpaman, nagpasya si Marcos na ituloy ang sariling panunumpa. Sinabi ng kanyang kaisipan na nakalublob sa letra ng batas na kailangan niya ang panunumpa upang ganap na maangkin ang panguluhan. Ramdam niya na mahalaga iyon kahit na panlabas lang.

Pagsapit ng bukang liwayway, dali-daling nagmobilisa ang daan-daang loyalista ni Marcos mula sa mga dukhang komunidad ng Maynila – Tundo, Paco, at Santa Ana — at Quezon City. Sumakay sila ng mga inarkilang dyip at pumunta sa Malacañang upang maging piping saksi. Alas-nuwebe ng umaga, napuno ang pook tipunan ng Malacañang ng mahigit tatlong libong loyalista ni Marcos na pawang nakasuot ng shorts, sando, tsinelas at mumurahing gomang sapatos.

Binigyan sila ng ng mga puting white T-shirts na may nakasulat na “Marcos pa rin” at maliit ng bandila na may kaparehong kalatas. Naghihiyawan sila ng “Marcos pa rin” at “batas militar” na animo’y naging mantra ng bumabagsak na pamahalaan.

***

MGA PILING SALITA: “Filipinos are a forgiving people. But how will they ever forgive the crimes of the Marcoses? They cannot even seem to remember them.” – Alan Robles, journalist, netizen, social critic

“Because of the sparse crowd in the BBM address at UNGA meet, BBM would have second thoughts attending future international meets. Just like Rodrigo Duterte, who shunned international meets after he was widely ignored by his fellow leaders in the 2018 APEC meet in Vietnam. After that event, he hardly attended. Makakaramdam din ng hiya ang makapal.” – PL, netizen

“If Marcos Jr succeeds in improving our country in the next 6 years, that’s good. Who wouldn’t want that? But that wouldn’t erase the facts: Abuses happened under his dictator father’s Martial Law, atrocities left unpunished. No moving on when injustice still prevails.” – Mara Cepeda, netizen