Advertisers
NADAKIP na ang lalaking responsable sa pagpatay sa dalawang household bodyguards sa South Forbes Park Village, Makati City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang salarin na si Julius Cortez, driver/security.
At ang mga nasawi ay sina Jay Ar Tomenio, guwardya; at Eugene Sitjar, driver, parehong nasa hustong gulang.
Ayon kay Police Colonel Edward Cutiyog, hepe ng Makati PNP, ulam ang sinasabing ugat ng pamamaril.
Sa inisyal na imbestigasyon at salaysay ng mga saksi, napikon si Cortez nang kaunti lang ang ihinain na ulam sa kanya ng dalawang biktima matapos silang mag-inuman.
Nagtalo ang mga biktima at si Cortez hanggang sa nauwi sa pamamaril.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isang biktima habang sa baywang tinamaan ang isa.
Agad na tumakas si Cortez matapos ang pamamaril, pero nadakip ito nang magtago sa isang bahay sa parehong subdibisyon kungsaan naganap ang krimen.
Ayon sa PNP, mahigit isang taon nang magkakasama sila Cortez at mga bitkima at wala naman naging mabigat na alitan.
Sasampahan ng kasong double murder si Cortez.
Pag-aaralan kung may dagdag na theft o robbery sa isasampang kaso lalo’t may nawawala umano sa gamit ng mga biktima.