Advertisers

Advertisers

11 na patay, 6 missing kay ‘Karding’

0 179

Advertisers

TUMAAS pa sa 11 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Karding.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang walong namatay ay kumpirmado na.

Kabilang sa nabanggit na bilang ang limang rescuers sa San Miguel, Bulacan dahil sa pagkalunod; isa sa Baliuag, Bulacan dahil rin sa pagkalunod; isa sa Zambales sanhi ng pagkalunod; at isa mula sa Burdeos, Quezon.



Sa kabilang dako, ang mga sumusunod naman na namatay subalit hindi pa beripikado ayon sa NDRRMC ay isa mula sa Zambales dahil sa aksidente sa motorsiklo, isa sa Antipolo at Tanay, Rizal kapwa dahil sa pagkalunod.

Iniulat din ng NDRRMC na may limang mangingisda sa Mercedes, Camarines Norte at isa katao sa Antipolo, Rizal ang nananatiling nawawala.

Sa report ng NDRRMC, 640,963 katao (176,337 pamilya) ang naapektuhan ng bagyong Karding sa 1,372 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Cordillera.

Sa kasalukuyan, may 35 lungsod at munisipalidad ang idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity kabilang ang buong lalawigan ng Nueva Ecija at ang mga bayan ng Dingalan sa Aurora, Macabebe, Pampanga at San Miguel, Bulacan.

May kabuuang P152,209,851 halaga ng pinsala sa agrikultura ang naiulat sa Ilocos, Calabarzon, Bicol, at Cordillera.



Para sa imprastraktura, ang pinsala ay umabot sa halagang P23,447,400 ang naiulat sa Ilocos, Mimaropa, Bicol, at Cordille.