Advertisers
Patay ang isang pastora at kritikal naman ang kasama nito nang salpukan ng kolong-kolong at kotse sa Barangay Balagbag, Cabarroguis, Quirino.
Kinilala ang nasawi na si Ptra. Tessie Morales, 70 anyos; habang nasa kritikal namang kalagayan si Ptr. Arnel Castillo, 31 anyos, at residente sa Barangay San Isidro Diffun, Quirino.
Napag-alaman na ihahatid umano sana ni Ptr. Arnel si Ptra. Tessie sa kanyang bahay nang mangyari ang aksidente sa intersection na papasok sa barangay Balagbag.
Isinugod pa ito sa pagamutan nguni’t idineklara ring dead on arrival ng attending physician.
Kasalukuyan pang nasa pagamutan at kritikal umano ang kalagayan ni Ptr. Arnel.