Advertisers

Advertisers

Broadkaster patay sa ambush sa Las Piñas

0 466

Advertisers

Patay ang isang batikang komentarista nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Sta Cecilia gate ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Percival Carag Mabasa aka ‘Percy Lapid’, radio commentator ng DWBL, at residente ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.



Sa ulat, 8:00 ng gabi ng Lunes, October 3, 2022 binaril ng dalawang beses si Mabasa ng riding-in-tandem sa gate ng Sta Cecilia, BF Resort, Las Piñas habang lulan ng kanyang sasakyan na kulay itim na Toyota Innova, may plate number na NGS8294.

At mabilis na tumakas patungo sa hindi matukoy na direksiyon ang mga salarin matapos ang pananambang.

Ayon sa report, naisugod pa si Mabasa sa pinakamalapit na ospital, subali’t idineklarang dead on arrival ng tuminging doktor.

Sa ngayon tinitignan pa ang go pro o dash cam sa harap at likod ng sasakyan ni Mabasa para matukoy ang mga salarin.

Habang isinusulat ang balitang ito patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.